July 30 2024

#BackToSchool 👦👧👩‍🏫📚📝 School Supplies distribution schedules will be announced per school.

Tuloy na ulit ang pagsusukat sa mga bata para sa SCHOOL & PE UNIFORMS. (Sinimulan natin ito nung simula ng hulyo, pero mula sa feedback ng Deped SDO/schools, mas madali daw kung gagawin ito habang Regular Class Schedule para kumpleto ang mga bata pati na rin teacher. Nagbigay-daan din tayo sa mga activity gaya ng Brigada Eskwela, Learning Camp, at nagkabagyo rin.)

Bukod sa school & PE uniforms, may mga school supplies (mga lapis/ballpen, notebook, writing pad, pencil case, ruler), bag, at payong na ipapamahagi.

May leather shoes 👞 at rubber shoes 👟 din tayo ngayong taon. Nakita ko na ang mga sample nito at natuwa ako sa quality.

Note- iba-iba ang nanalong suppliers kaya hindi pare-pareho ang delivery schedules ng mga gamit.

🤙⭐ May isa pa akong announcement mamaya, pero i-finalize lang namin sa Local School Board meeting ngayong 10-12 ng umaga.

Image