Sa “Expanded Welfare of Solo Parents Act” (RA 11681), may probisyon para sa Solo Parent Cash Subsidy na 1,000 piso kada buwan; pero sa LGU manggagaling ang budget.
Kaya masaya po tayo na sa Pasig nakapag Unang Batch na tayo ng distribution para a 2,489 Pasigueño Solo Parents. Sila po ang mga unang nakapag-pasa ng kumpleto at tamang requirements.
(Note- tuloy-tuloy lang po ang applications at assessment; maaaring magtanong sa Solo Parent Help Desk ng inyong barangay.)
Salamat, lalo na sa City Council at CSWDO, na nagsumikap para maisakatuparan ito sa ating lungsod.
#PasigCity #UmaagosAngPagasa #SoloParent #SoloParentCashSubsidy