Napag-usapan na rin namin ito ng DHSUD at iba pang ahensya, at lumalabas na NATIONWIDE talaga ang pangiiscam ng mga ito. Katunayan, kung maniniwala tayo sa mga dokumentong pinapakita nila, may mga claim sila sa HALOS BUONG PILIPINAS (wow). Iba-ibang papeles ang pinapakita nila mula sa Supreme Court, DENR, atbp, kaya maraming naloloko; ngunit kapag nakakaintindi na ang nakakabasa ng mga papeles, makikita na HINDI SA KANILA ANG LUPA. (Minsan ibang lugar pa nga ang tinutukoy ng mga papeles!!)
Kung hindi sa kilalang developer o lisensyadong real estate broker, lalo na kung hindi titulado ang lote, mas magandang ikunsulta muna ito sa isang abogado na hindi konektado sa lupang tinitingnan.
Katulong ng mga iilang mga nabiktima ng 20K each, hinahanda na rin namin ang kaso na syndicated estafa.
#StaySafe #MagingMaingat