November 25 2023

Sa ating #PamaskongHandog2023 team, sa dami ng nangyari nitong nakaraang linggo (kasama na yung sunog sa City Hall), hindi ko na kayo nakausap bago kayo magsimula sa pagbabahay-bahay…

Quick Reminder lang sa 3 Dahilan kung bakit natin ginagawa to taon-taon:

1. Para magbigay-saya sa bawat Pamilya PasigueƱo. Ito siyempre ang pinaka una;

2. Para ipakita na posible ang serbisyo na walang palakasan. Simbolo ng pagbasag ng “patronage politics”, sa paraan na madaling maunawaan. (sa tradisyonal, grupo-grupo tapos pag kadikit ng mayor mas maraming nakukuha. Sa atin, walang pinipili.)

3. Nakakatulong ito sa mga inisyatiba natin tungo sa “data-driven governance” (gaya ng census, PasigPass).

Ingat po at enjoy, mga kasama!

#UmaagosAngPagasa #MerryChristmas

Image