July 22 2023

Kasama sa ating #Pasig450 celebrations, pinasinayaan natin ang ating pinaka bagong Barangay Health Center (@ Kalinangan Caniogan).

Ito ang KAUNA-UNAHANG Health Center sa Pasig na sumusunod sa Department of Health Standards pagdating sa sukat at disenyo ng pasilidad.

Congratulations to our CHD and Engineering. Bukod sa pagiging bagong pasilidad, patotoo rin ito sa mga pagbabagong pinapakilala natin sa LGU– mas maayos na planning at tamang konsultasyon sa bawat stakeholder. Mas mahirap sa umpisa, pero habang nasasanay tayo, mas maganda ang kinalalabasan ng mga proyekto.

Image Image Image