Anunsyo Tungkol sa Kuryente

Anunsyo Tungkol sa Kuryente

ANNOUNCEMENT TUNGKOL SA KURYENTE/MERALCO 🔌⚡ May mga lugar pa tayong may POWER OUTAGE, lalo na sa Santolan. Isa-isa po talagang tinitingnan ng Meralco ang mga koneksyon at pinapalitan din nila ang mga metro pag kailangan. Patuloy po kaming nakikipag-ugnayan sa Meralco at aktibo ring tumutulong ang pamahalaang barangay para mapabilis ang proseso. Nag-request na rin tayo ng karagdagang tao mula sa Meralco, pero unawain din natin sila dahil maraming lumubog na lugar sa buong Metro Manila. Nasa 30 personnel nila ang nasa Santolan ngayon. Salamat po sa inyong pangunawa at kooperasyon! Ingat po! #CarinaPh #pasigcity *Ongoing din po ang Clearing Operations natin at may mga darating pa tayong heavy equipment bukas.