Paglipat sa Bagong Kontraktor ng Basura
In response to inquiries regarding Garbage Collection: Meron lang po tayong TRANSITION PERIOD ngayon dahil na-disqualify ang previous contractor. Inaasahan na magiging mas maganda ang performance nitong bagong contractor, PhilEco (nagsimula nung July 1 lang at may mga backlog yung previous contractor). WE EXPECT THE COLLECTION SCHEDULE TO FULLY NORMALIZE BY NEXT WEEK. Expected na medyo mag-adjust pa sila sa umpisa, pero dahil nakaalalay ang SWMO natin, napapabilis naman ang nagiging transition. Dumating na rin ang karamihan sa mga truck ng PhilEco at may commitment sila na darating ang 15 pang truck sa loob ng 3 araw. – Singit ko na rin po ang GOOD NEWS: yung area na LGU na mismo ang humahakot (wala nang Contractor), maganda ang feedback. Nasa 15% na po ito ng koleksyon sa Pasig at palalawakin pa natin ang sakop nito. May trucks tayong parating ngayong 2023 at mas marami pa sa 2024-25. We will be the 3rd city in Metro Manila to do "garbage collection by administration". – Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pag-unawa!