Fake News at ang

Fake News at ang mga Pulyetos

Day 32 of 45 Double time ang iba dyan sa pag gawa ng fake news. Bukod sa FB, nagpapa-print na rin sila ng hard copies (pulyetos) ng fake news nila. (Mga di ko kakilala sinasabi na tito ko.. Random picture ng bisita sa city hall, tatawagin na "bagman".. Pasigueño na abogado, pinipilit na hindi taga pasig.. Fake na, madalas mababaw pa.) 😂 Sa mga caucus kanina, hinikayat ko ang mga tao: kahit nakakatawa na minsan, manatili pa rin tayong MAPAGMATYAG at MAPANURI. 👀 1. Kung may makita tayong TOTOONG TAO na nag-"share" ng maling balita, icorrect natin sila. – Pero wag i-engage yung nag-post na troll/fake account. 2. Kung may nabasa/narinig pero di sigurado kung totoo, wag ishare. #TekaMunaMarites Maraming sumusubok na sirain tayo dahil gusto nilang makabalik sa lumang kalakaran. We will keep moving forward. #UmaagosAngPagasa x #IbaNaNgayon

Image