Mahusay na Serbisyo sa Pamahalaan: Pagsisimula ng Garbage Collection ‘by Admin’
Day 28 of 45. Tuloy-tuloy lang tayo sa trabaho at sa pagpapaganda ng serbisyo ng pamahalaan. Launching of GARBAGE COLLECTION BY ADMIN. Simula Lunes (April 25, 2022), LGU na ang kokolekta ng basura sa ating pilot barangay, Pinagbuhatan. Konti na lang ngayon ang reklamo, pero meron tayong 3 SULIRANIN: 1. Tuwing Disyembre (pagka-Pasko) nagkakaproblema sa tao ang mga contractor; 2. Pag may pagkukulang ang contractor may penalty sila, pero hindi natin madisiplina ang mga empleyado nila; 3. Dahil strikto tayong sumusunod sa batas pag public bidding, laging may risk na bagong contractor ang mananalo. (Pag bago, may adjustment period.) ANG SOLUSYON: Garbage Collection "by Admin". Dito, mas magiging consistent ang koleksyon. Bonus- makakatipid pa ang LGU. 8 garbage trucks at 30+ field staff ang iikot sa Pinagbuhatan araw-araw. Pagkatapos ng 3 buwan ia-assess natin kung magandang "by admin" na rin iba pang barangay. – Salamat kina Sir Allen ng SWMO, Kap Maricar ng Brgy Pinagbuhatan, at sa mga Opisyales ng HOA na magiging susi sa magandang implementasyon ng programang ito. Nabigyan na sila kanina ng schedule ng mga truck. #UmaagosAngPagasa #GoGoGoSWMO