Laban para sa Lupa: Isang Breakthrough sa Pasig
Day 10 of 45. Sa pagpupursigi natin ay isa-isang tayong nagkaka-"BREAKTHROUGH" sa mga problema ng mga Pasigueño sa lupa. Halos lahat ng barangay sa Pasig ay may isyu sa lupa. Kapag may problema sa lupa, may dalawang option ang gobyerno: (1) Hayaan o (2) Ayusin. Mas mahirap at matrabaho, pero lagi natin pinipili ang #2. Mga problema na 30, 40 years na, isa-isa nating inaayos. — Kaninang hapon, bumisita ako sa ISMAR KALAWAAN para personal na ibalita sa kanila ang magandang balita tungkol sa lupa nila– WALA NANG HADLANG PARA MAPASAKANILA ANG LUPANG KINATITIRIKAN NG KANILANG MGA BAHAY. Mahaba ang buong kwento– hindi pa ako pinapanganak nung nag-umpisa ang problema nila sa lupa. 700 pamilya, 2.5 hectares. Nagagamit ng iba sa politika ang mga isyu, pero hindi nagkaka solusyon. Pero iba na ngayon. Ang una nating ginawa ay namagitan tayo para mapagkaisa ang dalawang samahan na may malalim na alitan. Malabo kasing matuloy ang kahit anong kasunduan gaya ng CMP kung dalawa ang nagki-claim na sila ang lehitimong samahan. Ano man ang di-pagkakasundo, pareho pa rin naman ang pangarap nila para sa kanilang komunidad. Kaya't nagpapasalamat ako sa IHAI (sa pamumuno nina Pres Rey) at SAMAKA (sa pamumuno nina Pres Toto) dahil pareho silang nagpakumbaba at nagkompromiso para umusad ang usapan. Pangalawa, pinag-aralan natin ang aspetong legal ng lupa, at nag-negotiate tayo sa may-ari para mabili na muna ito ng LGU. Para gobyerno na ang kausap ng mga residente. Nagkasundo na tayo ng may-ari at inihahanda na ang Deed of Sale. Congratulations, Ismar!! Special mention din kay Kagawad Louie Afable-my page at kina Sir Ric ng PUSO. — #UmaagosAngPagasa #IbaNaNgayon