Pag-unlad ng Infrastructure sa Nagpayong
Day 8 of 45. Galing kami sa Nagpayong kanina. Natutuwa ako tuwing dumadaan ako ngayon ng Kenneth Road. Nung 2019, ang sabi namin ni Cong Roman, uunahin namin ito– hindi lang yung kalsada na sira sira yung kahabaan ng isang buong lane, kundi pati yung drainage. DEKADA nakatengga yung isang side na yun. Sa tulong ni Cong Roman Romulo at ng DPWH, napagawa natin ‘to ng 8 months lang, sa gitna pa ng pandemya. Ngayon, bukod sa patag ang daan, may makakabitan na rin yung mga drainage ng iba’t ibang HOA na wala dating outfall. At kaya ngayon, nasimulan na ng LGU/Engineering Dept natin na pumasok sa mga HOA ng Nagpayong para mapaayos ang mga kalsada at drainage nila. Sa kasalukuyan ay meron tayong 15 infrastructure works na ONGOING sa Nagpayong/Pinagbuhatan. Hindi pa kasama rito ang nasa planning o bidding stage. 1. CONSTRUCTION OF RCCP DRAINAGE LINE AND ROAD RE-BLOCKING, PORTION OF CENTENNIAL II ROAD, NAGPAYONG (5% completed as of March 31 2022) 2. CONSTRUCTION OF CHB LINED CANAL AND UPGRADING OF ROAD, MANGA ST. & MANGA EXT. LAKEVIEW NAGPAYONG (10%) 3. UPGRADING OF ROAD AND CONSTRUCTION OF CHB LINED CANAL , INTERIOR ROAD BLOCK 23, EUSEBIO AVE NAGPAYONG (7%) 4. UPGRADING OF ALLEYS AND CONSTRUCTION OF CHB LINED CANAL, INTERIOR ALLEYS CENTENNIAL 1B PHASE 1 NAGPAYONG (1%) 5. CONCRETING/UPGRADING OF ROAD AND CONSTRUCTION OF DRAINAGE SYSTEM, INTERIOR ROADS, VILLA CUANA III, NAGPAYONG (30%) 6. CONCRETING/UPGRADING OF ROAD AND CONSTRUCTION OF DRAINAGE SYSTEM, MINDANAO ST. MOUNTAIN ERA, NAGPAYONG (10%) 7. CONCRETING/UPGRADING OF ROAD AND CONSTRUCTION OF DRAINAGE SYSTEM , INTERIOR ROADS, RODMON VILLE, NAGPAYONG (1%) 8. UPGRADING OF ROAD AND CONSTRUCTION OF DRAINAGE SYSTEM, ZANDRO VILLE PHASE 1,2,3, NAGPAYONG (15%) 9. CONCRETING OF ROADS AND CONSTRUCTION OF DRAINAGE SYSTEM, INTERIOR ROADS SAN JOSE ST. PINALAD ROAD (15%) 10. CONSTRUCTION OF CHB LINED CANAL AND UPGRADING OF ALLEYS, INTERIOR ALLEYS NOAH ST. DREAMVILLE (10%) 11. CONCRETING/UPGRADING OF ROAD AND CONSTRUCTION OF DRAINAGE SYSTEM, INTERIOR ROADS, LAKSAMAH (30%) 12. CONSTRUCTION OF CHB LINED CANAL AND UPGRADING OF ROADS, INTERIOR ROADS, VILLA BALDERAMA (10%) 13. UPGRADING/CONCRETING OF ROAD AND CONSTRUCTION OF RCCP DRAINAGE LINE, INTERIOR ROADS VILLA ISABEL (35%) 14. UPGRADING OF ROAD AND CONSTRUCTION OF LINED CANAL, ROAD 1,2 & 3 ESTACIO PAGKALINAWAN HOA ((32%) 15. UPGRADING/CONCRETING OF ROAD AND CONSTRUCTION OF RCCP DRAINAGE LINE , NEW PARADISE HOA (30%) (Ang haba na ng post, di ko na sinama lahat ng detalye, nakapaskil naman po sa mga site at available sa city hall kung kailangan) #UmaagosAngPagasa