Pagpupulong ng Local Health Board: Pag-unlad sa Gitna ng Pandemya
Day 4 of 45. Sa gitna ng mga campaign activities, isinagawa kanina ang 1st Qtr Local Health Board Meeting. Naantala man ang ibang bahagi ng plano para sa Universal Health Care dahil sa Covid, maganda pa rin ang progreso natin. Halimbawa, naipapatupad na natin ang NO-BALANCE BILLING sa mga ospital ng LGU, lalo na sa PCCH-Covid Referral Center, kung saan halos lahat ng pasyente ay wala nang binabayaran. – May pasyente tayo na halos 2M dapat ang bill pero 0 pesos na lang ang kanyang binayaran. Pinapalakas din natin ang primary health care: – Mahigit 1,300 na bagong plantilla positions para sa bagong rationalize na City Health Departmentt; – Halos lahat ng health center ay pinaayos nitong nakaraang 2.5 taon. Meron rin tayong nilipat na center para mapalapit sa tao at may pinapagawa pa; – Natapos na ang City Census (pagkatapos ng ilang delay dahil sa mga ECQ) na makakatulong para masolusyonan ang matagal nang problema na sobra o kulang ang mga gamot sa center; – Pilot testing ng isang makabagong health information management system; – Isa rin tayo sa unang LGU na na-accredit para sa E-Konsulta. Ang lahat ng ito ay sa gitna ng mga kinailangan natin gawin para sa covid response, gaya ng: – Pag-convert ng isang ospital (PCCH) para mating Covid Referral Center; – Pagpapatayo ng molecular laboratory; – RHS Centralized Quarantine Facility; – Vaccination; at marami pang iba. Kapag tapos na tapos na ang pandemya, siguardong mas bibilis pa lalo ang pag-usad ng programa natin para sa #UHC. #UmaagosAngPagasa
1,431 Bakuna sa Bahay-bahay ng DOH Team
1,431 HOUSE-to-HOUSE vaccinations by our DOH vaccination team as of March 27 – REMINDER: get your 5-11 yr olds vaccinated now! Pasig City Public Information Office for info Clarification: house-to-house is for booster shots only. Sinama ko lang yung reminder para bakunahan na rin ang mga 5-11 sa vacc sites.