Pasig: Bukas para sa

Pasig: Bukas para sa mga Kandidato

As i've said before, Pasig is open for campaign activities of all candidates , national and local. May mga gumawa ng kwento na hindi daw ako nagbigay ng permit, pero meron naman talaga. (Mukhang HINDI sa nasyonal nagmula ang kwento kundi dito lang sa lokal. Sana honest mistake lang.) Our City Administrator's approval of permits AUTOMATIC, as long as the venue is allowed and it is properly coordinated for safety/security reasons. KARAPATAN po ito ng mga kandidato at maganda rin pong nakikita at napakikinggan sila ng mamayang pasigueño.

Image

Seremonya ng Pagsisimula para sa Caniogan Barangay Hall

Groundbreaking Ceremony for the Caniogan Barangay Hall. Salamat sa DPWH, Cong Roman, kay Kap Rey at Brgy Council. – Hindi naging prayoridad ng LGU ang malalaking infrastructure projects nitong nakaraang 3 taon. Bakit? Dahil nilinis at pinalakas muna natin ang procurement system ng LGU ( naabutan pa tayo ng pandemya) . Nung June 2019 pa lang, nag-usap na kami ni Cong Roman kung paano ang gagawin namin. Napagkasunduan namin na siya na muna ang bahala sa mga malalaking infra na kakailanganin kaagad- sisiguraduhin niyang may nakalaan na pondo thru DPWH. At nagawa niya ito (school/multipurpose buildings, Kenneth, Tanghalang Rizal, at itong Brgy Hall). Malalim ang mga problemang natuklasan natin sa procurement ng LGU. At hindi ako pumayag na tatapalan lang ang problema; dapat ayusin at i-institutionalize natin ang tama at transparent na sistema. Authentic change takes time. Ngayon, nagbubunga na ang mga pagbabago. Halimbawa, malaki ang binaba ng average project costs (nabawasan ng 20-30% kumpara sa dati). Kaya nagsisimula na ang Phase 2 ng Pagbabago, kung saan ang magiging focus na natin ay kung papaano magagamit ang karagdagang pondo para sa kapakanan ng buong lungsod (increase LGU's fund utilization). Tuloy-tuloy lang tayo. Sapagkat ang mga pagbabagong pinaglalaban natin, pakikinabangan nating mga Pasigueño hanggang sa mga susunod na administrasyon. – #UmaagosAngPagasa

ImageImageImage