Press Conference: Isang Muling

Press Conference: Isang Muling Pagsusuri

Photo A: May pa Press Con nanaman sila 😂

Photo B: Nagkataon lang ba? 2020 pa yung nasabing viral video diba?

Photo C: Convicted ng korte si Mr. Lao sa kasong finile ng LGU… kaya siguro siya galit. (I never posted about it, but I will share now as they again try to change the story.)*

Kung papanuorin ang BUONG viral video mula 2020, makikita ang 2 TOTOONG DAHILAN kung bakit ako nagalit nun:

(1) Illegal demolition, na may bata pa daw sa loob ng bahay. (Sinabihan ko pa nga siya na tutulungan siya ng LGU basta dumaan sa tamang proseso. Katunayan, tumulong ang LGU sa relokasyon ng mga tao mula doon.)

(2) Ilegal na nga yung ginawa niya, may nasira pa siyang bahagi ng kalsada.

(3) Yung mga alegasyon niya sa drugs ay na-refer ng maayos sa Chief of Police ng Pasig. (Btw wala siyang naipakitang ebidensya pero inaksyunan pa rin ng police.)


[*Note: Dahil lockdown/pandemic, may mga iba pang kaso na hindi na namin na-file sa korte, pero pwede pa naman.]

Mukhang desperado at nagsasanib-pwersa na sila. Pero ganun talaga sa seryosong laban para sa pagbabago, marami kang makakabangga.

Lagi kong ngang sinasabi, Kung walang nagagalit sa akin, ibig sabihin kulang ang ginagawa ko.

Tuloy ang laban para baguhin ang kultura ng maduming politika at korapsyon sa ating bayan.

#KumpletoResibo. #Fight. #UmaagosAngPagasa

ImageImageImage