ALERT LEVEL 2: Mga

ALERT LEVEL 2: Mga Patakaran at Guidelines

ALERT LEVEL 2. Ang pinagbabasehan natin para sa guidelines ay ang IATF Resolution No. 159-A, s-2022 (adopted through Pasig EO No. PCG-3, s-2022). ❔Frequently Asked Questions (1) Puwede na bang mag-basketball? 🏀 Opo, pinapayagan na ang contact sports para sa mga manlalarong BAKUNADO na. Puwede maglaro sa: – Court ng City Government, kung may permit; – Barangay Court, kung may pahintulot ng barangay; – Court ng mga subdivision/condo kung may pahintulot ng HOA/management; – Iba pang Private establishment na may business permit, by reservation. (Ang mga laro sa iba pang court ay maaaring ipatigil ng pulis, peace & order dept, o barangay kung may paglabag sa health protocol.) (2) Bawal pa rin bang lumabas ang mga hindi bakunado? 📄 Hindi. dahil automatically SUSPENDED ang Ordinance No. 1 s-2022 sa ilalim ng Alert Level2. Stay safe and Gong Xi Fa Cai! 🧧🎊

Image