Ang GITING NG PASIG:

Ang GITING NG PASIG: Laban ng Bawat Pasigueño

Day 43 of 45 Ang GITING NG PASIG ay hindi lang si Vico o ang mga kandidato. Pag sinabi nating GITING NG PASIG, kasama rito ang bawat Pasigueño na lumalaban at tumataya para sa mabuting pagbabago sa ating lungsod. Ang hangad natin: "Pagbabago na hindi nakasentro sa isang tao lamang, kundi pagbabagong tunay na maipapasa natin hanggang sa susunod na henerasyon." Kita-kita po tayo bukas (Sabado, May 7) sa Plaza Rizal para sa ating Miting de Avance! #IbaNaNgayon #GITINGdeAVANCE

Image

Bago at Pantay-pantay: Pamaskong Handog sa Pasigueño

Day 42 of 45 Bakit malaking bagay sa ating mga Pasigueño ang bagong istilo na pagbabahay-bahay ng PAMASKONG HANDOG? Simpleng halimbawa, pero malalim ang pinanggalingan natin dito; ito ay isang simbolo ng pagbabago. Dahil dati, Palakasan system at nagagamit pa sa takutan. NGAYON, KAKAMPI MAN O KALABAN, MERON. Sa simpleng paraan na ito, pinapakita natin na posible ang pamamalakad na walang pinapaboran… na maaaring tanggalin ang politika sa pagbibigay ng serbisyo publiko. Malayo pa tayo sa perpekto, pero papunta tayo sa tamang direksyon. Sa lahat ng serbisyo ng LGU, winawakasan na natin ang palakasan at takutan. Itinataguyod natin ang paggogobyerno kung saan pantay-pantay ang tingin sa bawat mamamayan. #IbaNaNgayon #TuloyAngPagbabago

ImageImageImageImage

MALUSOG NA BATANG PASIGUEÑO: Isang Hakbang Tungo sa Mas Maayos na Nutrisyon

Bago ang inauguration ng bagong PATH+School Building, pumasok muna ako sa Manggahan HS, kung saan natuwa akong makita na tuloy-tuloy ang distribusyon ng MALUSOG NA BATANG PASIGUEÑO. (late post) Hawak-hawak ko sa pic yung vitamins– ito siguro ang pinaka importanteng kasama sa MBP nutrition food packs!! Nung una naming napagusapan sa Local School Board ang available funds para sa K-12 students, ang gusto ko sana ay cash allowance. Pero pagkatapos ng konsultasyon kasama ang DepEd, principals, at ibang mga magulang, nagkaroon kami ng consensus na mas maganda kung Nutrition Food Pack. Para siguradong para sa kapakanan ng bata. (Karamihan sa mga magulang ay responsable naman, kaso pano kung may bata na may bisyo ang magulang? Maiiwan na naman sila, eh sa totoo yung mga batang ito nga ang mas dapat nating tulungan.) Ganito tayo gumagawa ng programa, hindi yung para lang masabi na may programa, kundi pinag-aaralan muna bago ipatupad. #UmaagosAngPagasa #TuloyAngPagbabago

Image

Pagsisimula ng Pasig Treatment Hub at High School Building

Pagkatapos ng flag ceremony, pinasinayaan ang bagong Pasig Treatment Hub at High School Building sa Brgy Manggahan. (Late post) PATH ang ground floor (sa main road ang entrance) at 15 classrooms naman para sa Manggahan HS mula 2nd hanggang 6th floor (sa school ang entrance). Wag mahiyang magpa-test, magpa-counseling, o magpa-treat sa HIV. Monday to Friday 8am-5pm: Sumilang Super Health Center CHAMP – Treatment Hub Social Hygiene Clinic 5/F City Hall Manggahan (up to 10pm) #UmaagosAngPagasa

ImageImageImage