Ang Katotohanan sa Malaking Gastos ng Kampanya
Day 29 of 45 Pasakay na ako ng sasakyan, biglang may humawak sa braso ko. "Mayor Vico!" sabi ni Ate, "Nagpa-ulan sila ng pera dito kahapon! Pero wag ka mag-alala, alam na namin yun. Balak din nilang bawiin yun." – Ang palusot ng ibang kandidato ay sariling pera naman daw nila ang gamit nila… Pero isipin niyo kung 300 pesos per person ang bigayan (madalas mas malaki pa diba).. Sabihin nating 1,000 people per day ang nakakasalubong nila (low estimate).. Nasa 200 days mula filing ng candidacy hanggang halalan.. 300 pesos x 1,000 x 200 = 60,000,000. Dito pa lang, baka mahigit 60 MILLION PESOS na ang gastos nila?? Ma-check nga ulit ang Forbes List, bilyonaryo ba sila??… 🤔😂 O baka naman funded sila ng mga taong miss na miss na ang lumang kalakaran ng lutong bidding at korapsyon sa city hall? The truth hurts, but it is the truth: ANG MALAKI GUMASTOS SA KAMPANYA AY MAS MALAKI PA ANG BABAWIIN. – We have already started to break this cycle. Sa makabagong politika na tayo. Di tayo gagastos ng malaki, pero pag nanalo ay gagamitin ang pondo ng LGU ng buong-buo at walang bawas para sa taumbayan. #TuloyAngPagbabago #IbaNaNgayon.