Araw-araw na Pagsuporta sa

Araw-araw na Pagsuporta sa Pagbabago

Day 20 of 45 Nagulat ako nung nakita ko ito sa Palatiw. Sobrang nakakataba ng puso. Maraming salamat po sa mga nagpapagawa ng mga materials. 💙 Araw-araw may naghahanap ng mga SOLO TARP ko. May pinagawa ako, pero para lang sa Common Poster Areas ng comelec. Mga 200 pcs lang yun. Bakit? Ito po ay isang statement na ang laban natin ay hindi tungkol sa akin lamang, kundi para sa misyon ng pagbabagong tunay. Dahil para maging matagumpay ang susunod na yugto ng pagbabago, importante na meron tayo ng mga ka-prinsipyo at mapagkakatiwalaang Vice Mayor at mga Konsehal. Gaya nating lahat, ang mga kasama natin sa Giting ng Pasig ay hindi perpekto. Pero sila po ay mga taong naniniwala sa mga pagbabagong pinapatupad natin sa ating Lungsod. Naging handa silang talikuran ang tradisyunal na politika, at nagkasundo kami na kung papalarin ay tuluyan na nating kakalimutan ang mga lumang kalakaran na hindi tama. #GitingNgPasig #PagbabagoPhase2

Image