Araw ng Kagitingan: Pagkilala

Araw ng Kagitingan: Pagkilala sa mga Bayani

Ang Araw ng Kagitingan ay araw ng pagkilala sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa atin noong Fall of Bataan, World War 2. Mahalaga bilang bayan na kinikilala natin ang ating mga bayani. Matuto tayo mula sa kanilangang mga karanasan. Nakalungkot kapag parang nakakalimutan na natin ang mga bayaning nag buwis ng buhay para makarating tayo sa ating kinatatayuan. Kaya sa Pasig, may effort tayo para muling makilala sila, lalo na ng mga kabataan: Pinapangalanan natin ang mga bagong proyekto sa Lungsod sa mga BAYANI o sa mga MAKASAYSAYANG GRUPO. (imbis na sa mga politiko, kagaya ng dating nakasanayan.) Yung huling dalawang proyektong ng DPWH, naisipan ni Cong Roman na ipangalan sa dalawang grupo sa Pasig noong World War 2– ang "HUNTERS R.O.T.C." at "BAMBANG BOYS"*. *for inauguration Ang Hunters ROTC ay isang guerilla group na lumaban sa mga mananakop na Hapon. Ang Bambang Boys naman ay isang grupo na kabilang sa Pasig core group at naging instrumento sa pag deliver ng supplies at intel sa mga guerilla.

ImageImageImage