Bakit walang gumagawa sa

Bakit walang gumagawa sa Sandoval Avenue?

Para sa mga nagtatanong tungkol sa SANDOVAL AVENUE na, "Bakit nagbungkal pero walang gumagawa? 🤬" 🚧 Ang construction permit po ng contractor dito ay 10PM HANGGANG 5AM. 🚧 Inoobserbahan po kasi natin ang Occupational Safety and Health Standards. Lalo na't nasa "BREAKING PHASE" pa tayo, DELIKADO (hazardous) kung may gagawa habang maraming dumadaan na sasakyan/pedestrian. Baka may matamaan. Mas disruptive din naman kung ipapasara ang buong kalsada. Pag nasa compacting/steel bars na tayo, maaari nang mag-extend ng working hours. Nagpadagdag na lang ako ng signages para mas maunawaan ng publiko. Salamat sa inyong pag-unawa. 🙏 Alam niyo namang kailangang kailangan nang ipagawa ang sandoval. Para sa ating lahat din naman ito.

Image