Balanse ng Trabaho at

Balanse ng Trabaho at Kampanya

Day 3 of 45. Ano ang pinagkaiba ng campaign period ngayon kumpara sa 2019? Sa isang banda, mas nakakapagod ngayon dahil kailangan balansehin ang trabaho at pangangampanya. Dapat laging una ang trabaho bago ang kampanya. Kahit weekend. Nakaugalian ko nang pumasok sa opisina ng Sabado o Linggo para maiwasan ang delays, lalo na sa sahod ng mga empleyado. Kapag may mga papel sa desk ko, hindi ako pumapayag na ma-pending ito sa akin ng mahigit 1 working day. ✅Ngunit sa kabilang banda, kahit na mas nakakapagod ay mas masaya. Dahil mas mainit ang salubong ng mga Pasigueño sa amin ngayon kaysa noon. Dalawang dahilan ang naisip ko kung bakit– Una, MALAYA na tayo ngayon. Dati, halimbawa, madalas kaming pinapakiusapan ng mga opisyales ng HOA na huwag nang bumisita sa kanila, kasi baka daw mapag-initan sila. Ngayon, kahit kalaban namin ay puwede (at dapat!) pakinggan. Pangalawa, marami ang nagsasabi na RAMDAM nila ang mga pagbabagong ipinaglalaban natin. Nakakataba ng puso dahil ito naman talaga ang motibasyon ko sa pagtakbo para mayor. Kaya napapagod man ay tuloy-tuloy lang tayo. #IbaNaNgayon

ImageImage