H2H PAMASKONG HANDOG SEASON 4: Nagsisimula Na!
H2H PAMASKONG HANDOG SEASON 4, NAGSISIMULA NA 🎄🎁🎄🎁⭐ 3 DAHILAN kung bakit natin ginagawa 'to: 1 . PAGBIBIGAY-SAYA sa bawat Pamilya Pasigueño tuwing Kapaskuhan; 2. Nakakatulong bilang pilot o "test case" sa mga hakbang natin para sa DATA-DRIVEN GOVERNANCE (halimbawa: – unang stage ay dry run nung citywide census/cbms – paggamit ng PasigPass, na bukod sa contract tracing ay dine-develop na rin bilang building block ng ating smart city program); 3. Patotoo sa PAGBABAGO ng kultura, na posible ang paggogobyerno kung saan PANTAY-PANTAY ang tingin sa lahat. (Nilalayuan ang palakasan system kung saan lamang ang mga miyembro ng kadikit na samahan, ginigiba ang patronage politics kung saan nagiging reward ang resources ng gobyerno kapalit ng suporta sa politiko.) Maraming salamat po sa mga masisipag nating team at sa mga barangay na tumutulong para sa Pamaskong Handog. MALIGAYANG PASKO, MGA PASIGUEÑO! #UmaagosAngPagasa