Inagurasyon ng Tierra Verde

Inagurasyon ng Tierra Verde Multipurpose Bldg at Dala Paz ES

2 buildings inaugurated today: (1) Tierra Verde (Santolan) Multipurpose Bldg with covered court (2) New school building, Dala Paz ES. Salamat sa DPWH at kay Cong Roman na naglaan ng pondo para rito. – Maikling kwento 🤓 Bago kami naupo ni Cong Roman nung 2019, nag-usap at nagkasundo kami: sa first term ko, habang nililinis natin ang mga procurement process ng LGU, iiwas muna ako sa malalaking infrastructure project… at kaya kung may ipapatayo na bagong building sa Pasig, hanggat maaari ay si Cong Roman na muna ang bahala para mapondohan ito ng DPWH. (Sa non-infra at sa maliliit na infra muna ang focus ng LGU.) Nagiging maganda ang teamwork namin dalawa dahil pareho kami ng hangarin para linisin ang ating pamahalaan. Ngayon, habang umaayos ang procurement process at dumadami ang available funds ng LGU, unti-unting dumadami ang ating infrastructure works. Marami ang naka-program na para ngayong 2022 hanggang 2024. May mga nagsimula na rin, gaya ng iba't-ibang road + drainage works sa Nagpayong. #UmaagosAngPagasa #IbaNaNgayon

ImageImage