Inaugurasyon ng Ugong Multipurpose

Inaugurasyon ng Ugong Multipurpose Bldg

Day 12 of 45. Official functions muna kanina. Malakas kasi ang ulan, kaya postponed muna ang campaign activities. (Naka-monitor din tayo ng DRRMO dahil malakas din ang ulan sa Rizal at sa atin bumababa ang tubig mula doon ) Kaninang umaga, inauguration ng Ugong Multipurpose Bldg. Napa-bidding ito at na-award ang kontrata nito bago ang term ko (Feb. 27 and March 6, 2019). 46.6M. Pero bukod sa covid, nagka-delay ang konstruksyon dahil pinabago natin ang "program of work" para masolusyunan ang ibang mga isyu. Yung isang isyu, lumang materyales ng lumang building daw ang gagamitin para sa bubong. Pinapalitan natin ito, at napagawa natin ang building na bagong materyales na ang ginagamit. Ang magandang balita , gumanda ang quality pero ganun pa rin ang project cost. ✅ Kaya ito na po ang resulta ngayon–

ImageImageImage