Isang Laban para sa

Isang Laban para sa Karapatan ng mga Kandidato

Day 38 of 45 Caucus sa Nagpayong… kung saan tinambakan ng basura at burak yung field bago kami dumating ni Cong Roman nung 2019… at pagdating namin nun, siyempre biglang namatay yung ilaw 😂 Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmamahal na pinakita sa amin ng mga taga roon nung gabing iyon – halos wala nang matayuan, malakas ang amoy, pero sinamahan pa rin nila kami. ‼️ Ang lantarang pang-aabuso sa kapangyarihan ay isa sa mga bagay na nag-udyok sa akin para tumakbong mayor. Nilabanan natin ito; IBA NA NGAYON. Dati, kahit karapatan ng kandidato na mag-rally, hindi nakakakuha ng permit ang kalaban. (#throwback/resibo: https://tinyurl.com/pasig2019permitdenied ) Ngayon, priority ang permit to rally/motorcade ng aming mga katunggali. Ngayon, malaya ang Pasigueño na pakinggan ang kahit sinong kandidato na walang panggigipit o pananakot. At hindi rin sila namamatayan ng ilaw. 😂 #MakabagongPolitika #IbaNaNgayon

Image