Isang Laban para sa

Isang Laban para sa Tunay na Pagbabago

Day 34 of 45 Kung sarili ko lang ang iisipin ko, hindi na ako magbubuo ng lineup… Kung open slate, eh di focus lang ako sa kampanya ko at wala pang magtatampo sa mga hindi napili… Kaso hindi ito laban para maging mayor ako. Ito ay laban para sa tunay na pagbabago na mapapasa natin hanggang sa mga susunod na henerasyon. At para palakasin pa ang magagandang nasimulan na, kailangan ng isang Sanggunian na naniniwala sa ipinaglalaban natin. Maraming nag-apply sa kin para makasama sa lineup. Kung tutuusin, kaibigan ko yung iba sa kanila.. May mabait at matalino din naman sa kanila… Pero pinili natin ang mga tao na HINDI TALI SA LUMANG KALAKARAN. Yung mga sumasang-ayon sa Zero-Kickback Policy ko. Yung handang tumulong sa pagtataguyod ng isang makabago at tapat na gobyerbo. Para sa Level 2 ng Pagbabago, #GitingNgPasig.

ImageImage