Isang Taon ng Serbisyo: OSCA at ang Papel ng OSCOMMS
1 year na pala mula nung nag-hire ang LGU ng mga Office of Senior Citizen Affairs Office Communications o "OSCOMMS" staff natin. 1 per barangay. Bukod sa pagsagot ng mga tanong ng seniors, koordinasyon sa barangay/asosasyon, at pagaayos ng records— sila din po ay nagha-house-to-house validation ng ating listahan. Alam niyo bang may nahuhuli silang sumusubok na kumuha ng benepisyo kahit na ilan taon nang patay ang senior? Sila rin ang nagaayos ng iba't ibang isyu gaya ng mga report na may naniningil para sa white card, atbp. Importante ang trabaho nila para mapabilis ang serbisyo at malinis ang database natin. Para na rin maging maayos ang pamamahagi #ChristmasCashGift at pati na rin ang 5-months release ng #LocalSeniorPension sa Disyembre. Marami pa tayong room for improvement pero kinikilala natin ang malaki nang improvement ng OSCA sa pakikipagtulungan ng ating regular staff at mga OSCOMMS. Congrats and thank you, #OSCOMMS! #UmaagosAngPagasa