July 03 2023

Naging emosyonal ang ilan sa kasama natin kanina sa Awarding ng Sertipiko bilang Benepisyaryo nang programa sa Pabahay.

Nasa 700 residente-benepisyaryo-pamilya ang na-awardan kanina sa 2 lugar: ISMAR KALAWAAN (500+) at LAND FOR THE LANDLES PALATIW (160).

👉 Sa ISMAR: (1) tumulong kami para magkasundo ang dalawang grupo ng hoa at (2) binili ng LGU ang lupang kinatitirikan ng mga bahay nila (para wala na silang ibang kausap; huhulog-hulugan na lang nila ito).

Nasa 4 na dekada na ang problema nila sa lupa. Ngayong 2023, tiyak at may kasiguraduhan na ang mga benepisyaryong na-awardan ng sertipiko.

Congratulations sa mga homeowners at maraming salamat kay Cong Roman, VM Dodot & Council, PUSO, LMRO, Brgy Officials, at sa mga Opisyales ng IHAI at SAMAKA.

(Post tungkol sa Land for the Landless:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=841824300645243&id=100044530415473&mibextid=Nif5oz )

#Pasig450 #ArawNgPasig

Image Image Image