1. EVACUATION CENTERS
(A) Nung kasagsagan ng bagyo, umabot tayo sa 2,883 families (11,337 inviduals) sa 21 evacuation centers.
(B) Isa na lang ang bukas ngayon (Ilaya, Santolan) – 81 families.
2. RELIEF OPERATIONS
(A) Mula sa LGU, nabigyan ang evacuee-families ng Pasig Food Pack, Pasig Non-Food Family Hygiene (with Sleeping) Kit, at Go Bag.
(B) Sa tulong ng opisina ni Cong Romulo, meron ding DSWD Food Pack.
(C) Nakapag-distribute tayo ng mahigit 50,000 hot meals sa loob ng 2 araw (kasama ang para sa evacuees at responders).
(D) Kasalukuyang pinoproseso ang Financial Assistance para sa mga pamilya na lumikas sa evacuation centers.
(E) Para naman po sa mga Binaha Pero Hindi Lumikas, magkakaroon tayo ng house-to-house na pamamahagi ng Food Packs sa mga lugar na binaha.
3. CLEARING OPERATIONS
(A) Ongoing ang clearing and flushing operations na pinangungunahan ng SWMO/CENRO. Kasalukuyan itong naka-sentro sa mga lugar na lubusang naapektuhan ng bagyo.
(B) Buti na lang may mga bago tayong Heavy Equipment (3 backhoe loaders, 1 wheel loader).
(C) Nag-deploy na rin ng clearing team at equipmemt ang ibang ahensya gaya ng MMDA, DPWH, PNP, BFP, Phileco.
(D) Meron tayong cash-for-work para sa karagdagang manpower.
*Sa mga lugar na may clearing ops: ipinapakiusap na iwasan muna ang paglalabas ng basura kapag wala pa ang truck ng basura, para magbigay-daan sa mga equipment at sasakyan.
4. OPENING OF CLASSES
(A) Para magbigay-daan sa clearing ops, suspendido (#WALANGPASOK) pa rin ang klase sa LAHAT ng eskwelahan (private/public
all levels, Pasig) bukas, Lunes, 29 July 2024.
(B) Alamin na lang po sa inyong paaralan kung kailan ang umpisa ng klase. May mga announcement din ang PIO. Karamihan ay magbubukas sa Martes, July 30. Pero may 6 paaralan na made-delay pa ng konti.
5. FLOODWAY ACCIDENT AND F. MANALO BRIDGE
(A) Mananatili po munang sarado ang FManalo Bridge (until further notice). Sa rapid damage assessment, malaki ang damage sa tulay.
(B) Mga 1 week pa raw ang complete assessment ng DPWH.
(C) Ongoing clearing (barges at debris).
(D) May search and rescue operations din po – mukhang hindi makakatotohanan ang unang report sa atin ng contractor. Mahigit isang LGU ang sakop ng aksidente – kaya may koordinasyon ito ng conrractor, Coast Guard, DPWH, BFP, PNP, at mga LGU. Hinihintay natin ang mas kumpletong report at tutulong tayo kung papaano man maaaring tumulong.
–
Maraming salamat sa lahat, lalo na sa mga pagod at puyat pero tuloy pa rin ang trabaho.. at ingat pa rin po!