Kagalakan ng Manong: Libre

Kagalakan ng Manong: Libre ang Asawa sa PCGH

Day 9 of 45. Kanina may nakasalubong akong manong na tuwang-tuwa dahil nalibre yung asawa niya sa PCGH — nasa 100K daw yung bill — pero wala na silang binayaran. Para daw siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nung malaman niyang libre pala. Nasimulan na kasi nating ipatupad ang NO-BALANCE BILLING sa dalawang ospital ng LGU (PCGH at PCCH na pansamantalang kinonvert para maging Covid Referral Center). Meron naman tayong covid patient sa PCCH-Covid Referral Center — nasa 1.6 MILLION PESOS sana ang bill — pero nakalabas din na walang binabayarang kahit isang sentimo! Hindi kailangan ng card para malibre; basta PasigueƱo at nangangailangan ng tulong. Isa lang po ito sa maraming hakbang natin tungo sa Universal Health Care. #uhc

ImageImage