Kahit Madilim, May Liwanag

Kahit Madilim, May Liwanag ang Pag-asa

Day 30 of 45 Kahit madilim, hindi kami iniwan ng mga tao. Parang lalo pa nga silang ginanahan eh! Ngunit paalala lang po sa mga supporters natin, wag tayong manghusga o magalit kaagad. Baka naman may eksplanasyon. Bagama't alam ng mga opisyales na darating kami at maaari namang sabihin nang maayos kung may problema, bigyan natin sila ng "benefit of the doubt". Magpapadala ako ng engineer sa Lunes para tingnan yung ilaw ng court at kung may maitutulong ba ang LGU. Pero kung sakali mang politika lang talaga ang dahilan kung bakit sinabi na pundido samantalang may gumagana naman, eh di ipakita natin sa kanila na iba na ngayon… hindi sila babawian ng pamahalaan. Mananatiling pantay-pantay ang tingin sa atin nito, kahit magkaiba ng kulay o paniniwala. Malaki na ang pinagbago ng politika sa Pasig. Tuloy-tuloy lang tayo sa tamang direksyon. #IbaNaNgayon #TuloyAngPagbabago #GitingNgPasig

Image