Mag-ingat sa mga Bumibili ng Lupa
REMINDER SA MGA BUMIBILI NG LUPA 1. MAG-INGAT. MARAMING MANLOLOKO, SCAMMER. 2. KUNG MAY PINAPAKITA SA INYONG TITULO (OCT/TCT), I-VERIFY MUNA SA RD (REGISTRY OF DEEDS). 3. KUNG WALANG TITULO, MAS MABUTING KUMUNSULTA MUNA SA ABOGADO. MAS OK NA ITO KAYSA MALOKO SA HULI. (may Legal office rin tayo na puwedeng kunsultahin kung indigent) 4. WAG MAGBIBIGAY NG PERA KUNG HINDI SIGURADO. AT KUNG MAGBABAYAD NA KAYO, WAG PUMAYAG NA WALANG RESIBO. – PLEASE PLEASE MAG-INGAT PO. May lumapit na naman sa kin na nag-downpayment ng 15K para sa lupa sa may City Jail (Nagpayong). Ang sakit kasi pinaghirapan at pinag-ipunan nila ang halagang ito. PARA PO SA MGA NABIKTIMA NA, pahingi po kami ng kopya ng lahat ng ebidensiya at detalye na meron kayo — dokumento, pictures, salaysay — para mahuli natin ang mga walang konsensiyang sindikato na ito.