Maging Ligtas sa Panahon ng Pandemya
Good morning! Stay safe today! 🙏🌅 Nagdagdag na po tayo ng emergency personnel sa contact tracing at sa ibang mga LGU health facility, pero short pa rin tayo. Ayon sa ating CESU, kahit na bumababa na ng konti ang reproduction rate ng covid, TATAAS PA ang bilang ng kaso, kaya ingat pa rin. Maaring mas mild ang sintomas sa Omicron variant, ngunit dahil sa bilis nitong kumalat ay dumadami pa rin ang mga naoospital. KAYA'T KUNG MAY SINTOMAS- magkusa na po tayo at umiwas muna sa ibang tao. #BeatCovidTogether #MyResponsibility
Pagpapadali ng Bakuna sa Sports Center
Pagkatapos ng flag-raising ceremony, inikutan ko ang Sports Center vaccination natin. Wala pang 8am, nasa 1,500 na ang pila kaya kinailangan nang mag-Cutoff. Ang LGU natin ay isa sa huling pumayag sa Walk-in Vax.. pero sa BOOSTER, wala na tayong choice. Hindi na feasible ang by schedule– maraming di na ma-contact, nagpalit ng number, at nasa 600,000 na ito hindi na kayang itext o tawagan isa-isa. Times are tough. But I am proud of our team. Pilay tayo dahil sa sitwasyon (lalo na sa dami ng naka-quarantine; vacc. team, contact tracing, command center, etc) — pero tuloy-tuloy lang tayo. Kakayanin natin to! #BeatCovidTogether