Mahigit 300 na Pasigueno, Nagsagawa ng Kilos Protesta sa Harap ng City Hall
BACKGROUND:
Kahapon, may natanggap ang media na press release. May magra-rally daw na, "MAHIGIT 300 NA PASIGUENO SA MALAWAKANG KILOS PROTESTA BUKAS 10AM SA HARAP PO NG CITY HALL NG PASIG, AUGUST 12, 2024."
Nakarating ito sa akin, kaya 10am kanina , pinuntahan ko sila. Dahil OPEN naman tayo sa mga tanong.
KASO LANG, pagdating ko sa kanilang "rally" kuno, puro naman HAKOT MULA SA QUEZON CITY ang naabutan ko (nasa video 🎥 ) . Ni hindi alam ng karamihan kung bakit sila dinala sa Pasig. 🧐
Muli po, bukas tayo sa mga katanungan at pagsusuri. Handa tayo para rito, dahil ang ginagawa natin ay Napag-isipan nang maigi, Maganda/Kailangan para sa kinabukasan ng lungsod, at Transparent ang proseso.
Ok lang ang katanungan pero sawa na tayo sa DIRTY TACTICS. Lumalabas sa imbestigasyon na pinahakot sila ng isang political group dito. 🦀 Lumalabas din na ito rin ang political group na panay Press Release para manira at bumibili pa nga ng mga tabloid, facebook trolls, at iba pa.
Basta. Tuloy lang po tayong magtatrabaho. Kailangan lang din natin pag-usapan ito paminsan para mabunyag ang mga dirty tactics nila.
– – –
At tungkol naman po sa New City Hall, asahan niyo na magiging available sa publiko ang Detailed Costing nito kapag na-finalize na ito (design & build modality po kasi at sa ngayon ay may requirements pa ang winning bidder bago tayo tumungo sa contract signing).
#PasigCity #TuloyAngAgos