Maligayang Pagtatapos sa mga Bagong Graduates ng Pasig
GRADUATION WEEK Sa mahigit 17 libong bagong graduate mula sa 39 na paaralang elementarya at senior HS ng Pasig Schools Division Office, CONGRATULATIONS! The LGU provided the diploma/holder, food, decors, and other ceremony needs, but most importantly, the "SABLAY". Inspired by the "malong", the Sablay is a piece of clothing worn in graduations (instead of togas). Mas PRAKTIKAL din ito– Sa parehong presyo ng pag-renta ng toga, nakakapag pagawa tayo ng sablay na nagiging remembrance na rin ng mga nagsisipagtapos. Nakakapaglikha pa tayo ng trabaho dahil puro Pilipino ang manghahabi (dumarami na rin ang bilang ng mga nati-train na Pasigueño). – TRIVIA: Pag binasa nang magkakasama ang mga karakter sa Baybayin, sagisag ng lungsod, at disenyo ng umaagos na tubig, ang ibig sabihin nito ay "UMAAGOS ANG PAG-ASA SA LUNGSOD NG PASIG".