Mga Babala tungkol sa

Mga Babala tungkol sa #BPAL: Paano Makilala ang mga Scam

Maraming nagtatanong tungkol dun sa #BPAL kaya gumawa ako ng video nandun po sa Tiktok at Youtube ko. Sobrang nakakalungkot at nakakabahala ang mga kwento ng biktima. (Youtube- https://youtu.be/w0pQGF1R0RY Tiktok- https://vt.tiktok.com/ZSNpakuSy/ ) Pero para sa masisipag magbasa ito po ang summary: HIGIT SA LAHAT, DAPAT MAG-INGAT AT MATUTO NA PO TAYO. HINDI NA BAGO ANG GANITONG PONZI O PYRAMID SCHEMES PERO MARAMI PA RIN LAGING NALOLOKO. 2 MAIN SIGNS na #SCAM ang isang "investment opportunity": (1) MAY PANGAKO NG MALAKING KITA NA GOOD TO BE TRUE. Madalas mataas ang pangakong interes (40% pa nga) at sinasabi nilang 'sigurado' ito… Remember, there is no legit " Get rich Quick " scheme! (2) WALANG PRODUKTO O SERBISYO ang kompanya, bukod sa pagpapaikot ng pera. Kaya gagana lang ang scheme kapag parami ng parami ang investors. Oras na magkulang nang kahit konti ang bagong pasok na investments.. GUGUHO NA ITO. MAAARING TOTOO NA MAY KUMITA, PERO DARATING AT DARATING ANG PANAHON NA MAGKO-COLLAPSE. Minsan tumatagal nang ilang taonbang scheme, perp imposibleng hindi mag-collapse. – Na-discuss ko rin ng bahagya ang tungkol sa imbestigasyon sa BNY. Makikipagtulungan ang LGU sa NBI para sa case build-up. Dapat may managot. UPDATE: NI-REVOKE ng LGU ang Business Permit ng BNY kanina (Dec. 20, 2023). Ang permit kasi nila ay bilang WHOLESALER. Wala para sa investments/pautang. 3 DAYS namin sinubukan ipa-receive sa kanila ang isang Show Cause Order pero SARADO ANG OFFICE at wala daw magre-receive aa home address nila. #2good2betrue #BPALscam #BentaPaluwagan #PasigCity