1. HINDI pa kompleto ang DOWNLOAD ng HEA funds mula sa nasyonal na pamahalaan. (Kaya wag pong ikumpara sa LGU na tapos na, dahil may LGU na tapos na at may LGU na hindi pa — hindi ko kayang sagutin kung papaano at bakit nauuna o nahuhuli ang ibang ospital/opisina.)
2. Tatlong opisina (PCCH PCGH CHD) ng Pasig ang nag-submit ng requests kaya iba iba ang kaso. Pls refer to your respective GCs. (I also enjoin our respective point persons to be patient in answering our current/former staff asking for updates.)
3. Ready po ang tatlong nabanggit na opisina na mag-download kung kailan man maida-download sa pondo sa LGU. (Yung partial na na-download nung nakaraan, naibigay naman ng LGU.)
4. In previous months, I opted not to post publicly and we absorbed all complaints for delayed HEA (gaya rin nung sa iba pang benepisyo na galing sa nasyonal/special laws).
Kaso sobrang tagal na rin kasi at laging LGU ang nasisisi, kaya pasensya na rin sa mga kasama sa DOH kung nai-post ko na. (We will continue to proactively coordinate with them.)
–
Salamat po sa lahat pag-unawa!