Pag-asa ng Villa Cruzis:

Pag-asa ng Villa Cruzis: Kuryente Para sa Lahat

Day 39 of 45 Villa Cruzis. Sa mahabang panahon, walang sariling linya ng kuryente ang mga residente rito. Matatandaan ang "placard moment" ng ating matapang na Konsi Quin Cruz nung April 2019. Ayaw kasi aprubahan noon ang Right of Way ng Meralco na dadaan lang din naman sa lupa ng LGU. Pagkaupo nung July 2019, inayos namin ang Right of Way. Nakapasok ang One Meralco Foundation, at nung November 28, 2019, na-"electrify"💡⚡🔌 ang Villa Cruzis at GK Napico. Bukod sa MANGGAHAN, may mga malalaking komunidad na rin tayong napa-electrify sa tabing-ilog ng MAYBUNGA at ROSARIO. Mga DEKADA nang problema katulad nito, unti-unti nating nagagawan ng solusyon. Isipin natin kung ano pa ang magagawa kung sa susunod na term ay magiging aktibo at kaisa natin ang Vice Mayor at mga Konsehal.

Image