Pag-asa sa Ekonomiya: Pagsulong ng Pasig
Day 13 of 45. Morning execom. The next 3 years will certainly be better than the last 3 years. Matindi ang krisis na dulot ng covid-19. Sa taong 2020, lumiit ang real GDP ng Pilipinas ng 9.6%. Ito ang pinaka mababang growth rate ng bansa mula World War 2. Ngunit mukhang maganda ang sitwasyon ngayon, mula sa nasyonal hanggang lokal. Dito sa Pasig, tumataas ang bilang ng registered businesses (net +1,542 from 2021-present). Ang revenue ng BPLD ay paakyat din: nasa 4.4B pesos na ngayong 2022 (kumpara sa 3.4B nung 2021). As the economy recovers, we will be able to give more services to the people. Kaya kailangan natin ng mga kakampi na handang tumulong: una, upang paigtingin ang mga reporma para sa mabuting paggogobyerno; at pangalawa, para maipatupad ang mga plano't programa nang mas mabilis. Hindi ko kailangan ng mga taong loyal sa akin. Kailangan natin ng mga taong kaisa natin sa vision at mission natin para sa Lungsod. #UmaagosAngPagasa x #GitingNgPasig