Pagbisita sa mga Bagong

Pagbisita sa mga Bagong Gawain ng Building Maintenance Team

Kaninang umaga umikot kami ni Cong Roman sa mga bagong-gawa ng ating Building Maintenance team. (1) Terminal ng ISKATODA. Natuwa rin ako na yung 9 nilang colorum na miyembro ay may prangkisa/LEGAL na. (2) Multipurpose sa Villa Capistrano (San Joaquin). Matagal na nila tong hindi magamit. Ngayon puwede nang burulan ang 1st floor at opisina ng HOA ang 2nd floor. (3) Multipurpose sa Villa Tech (Palatiw). Nakakatawa, may gumawa pa ng kwento na 1M pesos ng ginastos ng LGU– eh available materials lang naman ang ginamit (kasama ang mga electric fan, kisame, ilaw, at pintura, baka wala pa tong 20K total). (4) Oplan Kaayusan sa Christina Homes (Pinagbuhatan). Sinilip din namin ang dredging ng DPWH sa creek. #UmaagosAngPagasa

ImageImageImageImageImage