Paghahanda sa Bagyo: Mga Dapat Tandaan
Kapag ganitong may parating na bagyo, katulad nitong #BettyPH, halos hindi natutulog ang inyong DRRMO. Ako mismo pinakamatagal na yung 60-90 mins para tingnan ang latest updates. Konting paunawa lang po: (1) Kahit wala pa, o di pa tayo sigurado kung paano tayo tatamaan, maagap tayo sa paghahanda (see pics). Naka- #BlueAlert din tayo simula 8am. (2) Tungkol naman sa POSIBLENG #WalangPasok, hihintayin natin ang DOST-PAGASA Bulletin o ang aktwal na pag-ulan (kung alin ang mauna sa dalawa…hindi tayo manghuhula): Paalala na sa kasalukuyang DepEd protocol, meron tayong AUTOMATIC SUSPENSION kapag nasa ilalim tayo ng Tropical Cyclone Wind Signal 1 pataas o Orange/Red Rainfall Warning ng PAGASA. Paalala na rin sa mga mag-aaral na kung sa anumang panahon ay pakiramdam natin ay hindi tayo ligtas, ay maaari tayong manatili sa bahay o lumikas sa mas ligtas na lugar. [Updated as of 4:05a.m. May 27, 2023. Happy Birthday, Mama ☺]