Paglaban sa Kasinungalingan at Takot
Day 19 of 45 Habang naglalakad ako sa Santolan kahapon, maya't maya may nagsasabi sa kin, "May naninira sa'yo rito, ipapa-demolish mo raw kami!" Hindi ko na tinanong kung saan nanggagaling ang mga di totoong balita. Siguro may mga taong nasanay lang talaga sa politika ng kasinungalingan at takutan. Ang sabi ko na lang sa mga nagsumbong, "Hayaan niyo na. Basta, alam natin ang totoo." Ang totoo, unti-unti nating inaayos ang mga deka-dekada nang problema sa lupa rito. Naantala man ang mga meeting at public consultation dahil sa covid, malaki pa rin ang progreso natin. Halimbawa, kamakailan lang ay napatituluhan na ng City Government ang Lots 2 & 3. (kaya wala nang pangamba at paguusapan na sa susunod ang pagbili nila ng lupa.) Pero kailangan tapusin ang mga konsultasyon sa bawat lugar. Ang gusto natin, naiintidihan at nagugustuhan ng nakararaming residente ang mga plano ng gobyerno para sa kanila. #IbaNaNgayon #KonsultasyonBagoAksyon