Paglilinis ng Wires sa Pasig: Kahalagahan ng Koordinasyon
Pagkatapos ng inauguration ng mga dry stand pipe sa Sumilang, dumiretso kami sa WIRE CLEARING OPERATIONS ng Meralco sa E Santos. Sa ibang lugar, nagdadalawang isip sila kung papayagan ang Meralco, dahil madalas nadadamay rin ang mga linya ng internet/cable. Marami kasing telco na ilegal o mali ang pagkakakabit ng wire. Pero alam kong sumasang-ayon ang karamihan pag sinabi ko na kailangan tiisin natin ang konting abala, para maging mas maaliwalas at mas ligtas ang ating kapaligiran. Kapag nag-clearing at natamaan ang mga maling linya ng telcos, mapipilitan na silang kumabit ng tama sa susunod. ➡ Dahil dito, sa Pasig LGU, patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa Meralco at mga telco, at ako pa nga mismo ang nagre-request ng operations nila. Thank you Meralco, LGU staff especially engineering, cooperative telcos, and supportive barangays. (Note- hindi po ito ang una. Nung nakaraan may wire clearing na rin tayo sa iba pang brgy gaya ng Bambang at Palatiw) #ByeSpaghetti #DeadWires