Paglinis at Paglilinis ng

Paglinis at Paglilinis ng Mga Tabing Ilog sa Pasig

Friday morning with DENR at Brgy Pineda. Marami tayong ongoing project para linisin, ayusin, at pagandahin ang mga tabing ilog at sapa sa Pasig. May mga ongoing cleanup, dredging, construction, at planning ang LGU. Pero importante ring makipag-coordinate sa iba pang ahensiya dahil hindi lang naman sa Pasig dumadaan ang waterways. Ongoing projects include: 1. Pasig River along Pineda- improvement with DENR-PRMCO (Pasig River Management and Coordinating Office). (May next phase din tayo dito hanggang 2024-2025 para sa new-design linear park) 2. Cleanup, dredging projects ongoing along Buli Creek. (May linear park din sa isang bahagi) 3. Rehabilitation along Parian Creek (Bitukang Manok) 4. DPWH river dredging, revetment walls. 5. Bukod pa po ito sa ibang minor projects at flood control projects gaya ng pumping stations.

ImageImageImageImage

PRP Procedure sa Dalawang Tuhod

Kahapon sumailalim ako sa procedure na "PRP" o "platelet-rich plasma" sa dalawang tuhod. Kaya bilin ng Doktor, bawasan ko muna ang paglalakad hanggang bukas (August 14-15, 2022). Kaya magpapaalam lang ako na limitado lang muna ang maaattendan kong events hanggang sa Martes. Maraming salamat sa napaka husay na sina Doc Gar Eufemio ng Peak Form . Magsasampung taon na kong nagpapatingin sa kanila… Hindi ko na maalala ang bawat injury ko sa dami 😂 pero yung sa tuhod talaga ang malaking problema dahil ang sakit maglakad tapos kulang ang oras ko para magpa therapy/gym. Napaisip nga ako nung International Youth Day nung August 12 😂 …33 yrs old pa lang ako, pang senior citizen na tong tuhod ko.. kailangan alagaan din natin ang ating KALUSUGAN. Kaya ito, sa susunod na buwan, HA/lubricant naman (pang senior na talaga haha), tapos strengthening program. Malay natin, makapag "back from retirement 🏀" pagkatapos ng ilang buwan. 🙏

ImageImage