Pamamahagi ng Transportation Allowance para sa mga Mag-aaral
Para sa mga mag-aaral at magulang mula sa mga paaralang K-12 sa ilalim ng Deped Pasig: (1) Mula Sept 6-15 (2023), magkakaroon tayo ng distribution ng "TRANSPORTATION ALLOWANCE" mula sa LGU na nasa halagang 1,500 PESOS PER STUDENT. (2) Tuloy pa rin ang School Supplies, kaso may problema sa delivery (hindi ko na muna idedetalye ang mga dahilan pero siguro masyado kami naging optimistic sa timeline at nagkulang sa buffer para sa mga aberya; halimbawa, may na-disqualify na supplier dahil mali ang kalidad o materyales.) Ako po ay humihingi ng inyong pasensya. First time lang din natin ito; maasahan niyo na sa susunod na schoolyear ay mas aagahan namin ang timeline. Alam kong maraming gastusin pag magpapasukan, kaya sana makabawi ako sa inyo kahit papaano sa pamamagitan ng nasabing cash Allowance. (3) On track at nagsimula na rin po ang delivery at pamamahagi ng 1st Tranche ng MBP o MALUSOG NA BATANG PASIGUEÑO (tuna, iodized salt, vitamins); – MBP 2nd Tranche (gatas), ngayong September din; – Meron ding MBP 3rd Tranche (bigas) this semester. Salamat sa pagbasa at God bless sa ating mga Estudyante!