Pasig Mega Dialysis Center:

Pasig Mega Dialysis Center: Isang Hakbang Tungo sa Mas Mabuting Kalusugan

PASIG MEGA DIALYSIS CENTER, BUKAS NA!!! Sa 79 machines, isa ito sa pinaka malaking dialysis center sa buong bansa! Mula 42 machines (champ, manggahan, pcgh), nasa 119 na ang total bilang ng dialysis machine ng LGU natin ngayon. Ibig sabihin maa-accomodate na natin ang mahigit kalahati sa 800 #dialysis patient na regular na tinutulungan ng SWAC ngayon. First-come first-served basis tayo para patas. Para naman sa mga hindi pa kayang i-accomodate ng mga pasilidad natin, magtataas tayo ng financial assistance sa fiscal year 2023. Salamat sa lahat ng nagtrabaho para sa PPP na ito, kasama ang Premiere101. Patuloy na #UmaagosAngPagasa sa Lungsod Pasig!

ImageImageImageImage