Paumanhin sa Kaguluhan ng LGU-TUPAD Sign Up
Ako po ay humihingi ng paumanhin sa panandaliang kaguluhan na nangyari sa dalawang venue ng LGU-TUPAD sign up natin. (Feb 22, 2022) Ayon sa report ng Peace & Order Dept, maayos ang pila nung nag-umpisa ito kaninang umaga. Ngunit sa Plaza Bonifacio ay biglang may sumigaw ng "Bara-barangay ang pila!" at kaya nagkagulo-gulo ang pilahan. Sa Rainforest Park naman ay may tumulak papasok ng isang gate at nag-unahan ang mga tao nung bumukas ito. Full force at mabilis namang umaksyon ang ating Peace & Order Officers kasama ang Pulis Pasig, at kaya naayos kaagad ang sitwasyon sa dalawang lugar. Drop box lang po ito at walang interview kaya mabilis lang naman kahit mahaba ang pila. Salamat sa inyong pag-unawa! (May nagtatanong din po kung bakit hindi sa barangay idaan ang TUPAD. Ilan beses na po itong sinubukan ng PESO kaso madalas may problema sa listahan ng ibang barangay. May iilang brgy na puro kamag-anak ng staff ang nasa listahan; meron namang lagpas sa naka-assign na slots nila ang pinasa tapos sinisi ang PESO nung tinanggal ang sobra. Kaya minabuti na lang po muna ng PESO na 1st-come-1st-served dropbox system para maiwasan ang palakasan.)