Reforma sa HR ng City Hall
Day 41 of 45 Nung konsehal ako, lagi ko silang tinatanong, "Bakit puro contractual, casual, at job order ang empleyado natin? Bakit bakante ang 91% sa permanent plantilla positions ng City Hall?" Ang sagot nila sa akin noon, wala daw qualified ma-regular, konti daw ang may eligibility… Pinag-aralan ko ito. Ginawa ko pang mini-thesis nung nag masters ko. Nung naging mayor ako, nagpakilala tayo ng matinding reporma sa HR. Kapag mas maayos ang HR ➡️ tataas din ang antas ng serbisyo ng LGU. At ngayon, sa loob lamang ng 3 taon, marami na tayong nagawa na dating sinasabi na imposible. 2,397 employees regularized (karamihan dito mahigit 10 yrs nang casual)… Nilalayo sa politika, binibigyan ng seguridad at dignidad ang mga empleyado na matatagal nang naglilingkod sa atin… Prayoridad sa salary increase ang mga ordinaryong manggagagawa gaya ng street sweeper at utility worker… Naglunsad ng L&D program para tumaas ang kalidad ng serbisyo… Marami pang iba… #TuloyAngPagbabago