Simula na ng serbisyo:

Simula na ng serbisyo: Pasig TODA at Pateros TODA, magkakapalitan!

Day 23 of 45. Good news! Simula bukas, Linggo, ika-17 ng Abril, maaari na pong makapaghatid ng pasahero ang mga Pasig TODA sa Pateros, at mga Pateros TODA sa Pasig. *Sa ilalim ng kasunduang ito, ang mga byahe mula Pasig ay maaaring mag drop-off ng pasahero sa anumang parte ng Pateros. **Ang mga byahe naman mula Pateros ay maaring mag drop-off sa Buting, Immaculate Concepcion Cathedral, Kalawaan, Pasig Mega Market, at Meralco Sagad. Maraming salamat, lalo na sa napakabait na mayor ng Pateros, Ike Ponce! Salamat din kay future Konsi Volta Delos Santos-my page dahil isa siya sa mga nagka-ideya para rito nung siya pa ang OIC natin sa Pasig TORO. #PasigPateros #MOA

ImageImage