Unang Karanasan sa Maayos na Stage!
Day 17 of 45 Nagulat ako, may maayos kaming stage! first time?? 😂 (salamat sa nag-setup, alam niyo na po kung sino kayo 🤗 ) May nagtanong sa kin kanina– "Mayor, bakit nga ba ayaw mo ng may magarbong setup, mga artista, dance number?" Una, sa kampanya, ang mahalaga ay marinig ng tao ang mensahe at plataporma ng kandidato. Pangalawa, bilang kandidato, dapat iniiwasan namin ang gumastos ng malaki. Alam niyo na kung bakit. #IbaNaNgayon Kasama ito sa misyon natin para baguhin ang political landscape ng ating Lungsod. Habang tumataas ang antas ng diskurso at kapag hindi na kailangan gumastos ng milyon-milyon para manalo, tataas din ang kalidad ng mga namumuno sa atin. Pangarap natin na pag panahon na ng mga susunod na henerasyon ng lider sa Pasig, hindi na kailangan ng sikat na pangalan o malaking pera para manalo– PAGKATAO at KAHUSAYAN na lang ang magiging batayan sa pagpili ng mga iluluklok natin sa puwesto. #PangmatagalangPagbabago